Yes I'm an American...*kwentong barbero
Yan ang exact words na narinig ko sa aking ate na nakapag-asawa ng
foreigner when she got her green card 10 years ago. Nuong time na
narinig ko yun, i want to curse her. How on earth she uttered those
words samantalang kinupkop sya ng Pilipinas for almost 25 years? Hindi
ko talaga maintindihan kung bakit, kase para sa akin, sabi ni Ninoy,
"the Filipino's are worth dying for."...pero ngaun sa bibig ng aking
ate narinig ko ang mga salitang kasumpa-sumpa sa mga Filipino.
That was before, pero ngaun...im anticipated sa pagdating din ng
aking green card to migrate to the "garden of eden". Nasaan na ang
aking pagiging isang tunay na Pilipino?... wag nung itanong sa akin,
dahil wala na sa akin. Ninakaw na ng bawat taong tumatawid sa bawal na
tawiran, itinakbo na ng mga lalaking umiihi at vendor sa sidewalk,
tinapak-tapakan na ng mga taong paingles at pa-impress na nakatambay
sa mga imported na bars and coffee shops, at niyurakan at dinuraan na
ng mga corrupt at balahurang mga lider na ating nilagay sa trono para
duraan tayo sa mukha. Ngayon itanong nu ulit sa akin kung nasaan na
ang aking pagiging Pilipino, at ibabalik ko sa inyo ang tanong....
Actually, nde naman natin kelangan pang magbasa ng libro para lamang
salingin ang ating diwa at pagkamakabayan. Dahil para tayong mga
kabayong pang-kalesa na may harang sa mata(anong ngang tawag dun) na
nakatuon lamang kung saan pupunta. Bakit? kase wag taung mag-deny pero
sawa na tau sa araw araw at nakakasawang eksena na pilit gustong
humingi ng tulong sa bawat isa sa atin pero pilit nating
bina-balewala. Naaawa ako sa aking inang bayan dahil sa patuloy na
paglapastangan sa kanya ng mga ganid na pamahalaan at mga taong
hanggang kayang manglamang ay pilit na magsasamantala. Kung krimen
lang ang pagiging walang pagmamahal sa bayan, ang pilipinas ay
maitatala sa GUINESS BOOK of WORLD RECORD bilang pinakamalaking prison
cell sa buong daigdig. At ang PNP o ang batas natin ay makakatanggap
ng NOBEL PRIZE sa dami ng mahuhuling criminals, pero tatanggapin nila
ang kanilang award sa loob din ng kulungang Pilipinas dahil kasama
sila dito. Nakakadismaya pero mula sa mababang antas hanggang sa
pinakalamaking tao sa bayan ay parang mga galis sa inangbayan na
patuloy na sumisira sa dating kay kinis nitong balat.
Hindi ako tatakas, at nde ko iniiwan ang responsibilidad ko bilang
Pilipino, kundi iniiwasan kong balang araw ay maging isa ako sa mga
galis na maaring sumira sa aking ina. Isumpa nyo sa dahilang nahirapan
akong mag-isip at kumilos bilang isang mabuting mamamayan kung
napapalibutan ka ng mga hayop gubat na nagsasamantala sa mga
mahinahong mamamayan. Isumpa nyo ako dahil isa ako sa mga nawalan ng
pag-asa na balang-araw ay babalik ang ganda ng Pilipinas. It would
takes decade...decades or decadeses or decadeseses para marejuvinate
or nde man ay ma-lessen ang dumi nito. Isumpa nyo ako dahil araw araw
ay dinadalangin ko (pasintabi sa mga may mga mahal sa buhay na
pulitiko) sa sanay biglang gumuho o masunog ang mga pinagdarausan ng
mga meetings para matabunan ang mga politicians na nagbalitaktakan at
nagsusubukan ng talino na parang world debate championships na nauuwi
lage sa pagkabinbin ng mga magagandang batas. Sa ngayon ang tingin ko
sa Pilipinas ay isang malaking basurahan na paminsan-minsan ay
kapupulutan mo pa rin ng kakaunting magandang bagay. At ang pamahalaan
ay isang gubat na punong-puno ng ibat ibang klaseng mababangis na
hayop na patuloy na magpapatayan hanggang sa manaig HINDI ang
pinakamatapang, kundi ang pinakamadaya na nakakubli hanggang sa
mamatay ang lahat sa labanan at itaas ang kamay at ngingiti para
sabihin na siya ang nanalo. Kung mag-rereincarnate ang lahat ng mga
bayani sa panahon natin ngayon sigurado akong ang OFW na ang magiging
pambansang bayani, dahil hindi nila papangarapin pang ipaglaban ang
ganitong klaseng bansa. Baka si Rizal ay nanatili na lang sa Madrid o
Dapitan para magpakasal sa banyaga para makakuha din ng Green o
anumang kulay na card.
Hindi ko hihingin ang pang-unawa o hindi ko kailangan ipaliwanag
ang aking sarili dahil ako ay isang mamamayang malaya sa lahat ng
bagay maging sa pag-de-desisyon? Dapat ba akong matuwa o malungkot sa
kalayaang ito? Siguro malulungkot, dahil sabi nga ni Uncle Ben(?) ni
Spiderman, "in great power comes great responsibility", freedom is an
individual power and therefore with it comes responsibility...
responsibilidad nde para sa sarili na mailabas lahat ng gusto mong
sabhin. Kundi responsibilidad para sa mga taong nasa iyong paligid.
You are free but you are not free to touch or step on someone elses
freedom. yan ang ibig sabihin ng salitang responsibility. Itanong nu
yan sa media that over exercizing their freedom, na madalas super
exaggerated (ano pa bang superlative word that is apt to describe
them?) sa kanilang deliveraNCE, kung makakaakyat lang ang mga ito sa
langit o makakapasok sa impyerno baka napagsalita na nila ang AMA o
ang HARI NG KADILIMAN sa kanilang mga EDITED interviews. Pati ang
pagpapadagdag ng s_so ng isang nde naman kasikatang artista ay
ginagawa nilang sensational news. Bakit kaya nde nila i-expose ang
sarili nilang mga baho?...Ay wag na, baka maubos ang media person dito
sa pilipinas. On the other side, matutuwa din, dahil kung hindi ba ako
malaya magagawa ko ba itong personal message ko na to? Kung hindi tayo
malaya, meron bang bobong pinoy dot com? Kung hindi tayo malaya,
magagawa ba nating gmawa ng grafitti sa mga lansangan? Pero isa lang
ito sa ilang natitirang dahilan para maging Pilipino. At hindi sapat
ang 100 pahina ng libro(diba sir BOB?) para sabihin ko naman ang
dahilan para magpa-ampon ako sa ibang bayan?
Hindi ko nililinis ang aking sarili, alam ko na meron din akong
bahagi sa dumi ng aking bayan. Pero nagagalak ako dahil pag nakuha ko
na ang aking inaasam na green card maiiwasan ko na ang magiging basura
pa. Isumpa nyo ako dahil ako ay dumudura pero proud ako dahil nde ako
dumudura ng patingala kagaya ng ibang nagmamalinis magpakapilipino
pero ang best expression naman ay..... Yuckkk! at Huller!!!(Hello)...
Itatakwil nyo ako bilang Pilipino at bilang kapatid...Pero sigurado
ako na kung ang inang bayan ay isang mapagmahal na biological
mother,.... cgurado ako wala na siyang anak ngayon sa Pilipinas dahil
pinaampon nya na sa mga dayuhan at ang matitira na lang sa kanyang
bayan ay ang mga politikong artista, artistang politiko, politikong
nag-aarti-artistahan at artistang nagpupuli-pulitikuhan at sa ganyang
situwasyon mas pipiliin na lang ng inang bayan na ilubog nya ang
kanyang sarili sa ilalim ng kanyang daan-daang isla para tapusin ang
kanyang kahirapan.
Yes!!! I am now an American...Salitang bibitawan ko hindi upang
itakwil ang aking ina. Kundi bilang paglaya sa basura at kahihiyang
ikinapit at pilit pang ikakapit sa akin ng aking mga piling-piling
kababayan.
PS.... Salamat sa kalayaang magsulat, magbasa, magbigay ng opinyon,
mamintas, magmura, manlait, mangbalahura, mandaya, manira,
manlamang....ang Pilipinas ngayon ang PINAKAMALAYANG BANSA SA BUONG
DAIGDIG.
Salamat kay Leah Salonga, Salamat kay Bata Reyes, kay Manmy
Pacquiao(yung boksingero, hindi yung politician) at sa lahat ng
Filipinong nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.
Salamat kay Bob Ong at sa lahat ng BobongPinoy....at higit sa lahat
salamat kay Claire Danes at Mariah Carey?....Bakit daw? Ewan ko....